TOTOO BANG SI CONSTANTINE ANG NAGLIPAT NG SABBATH OBSERVANCE MULA SABADO PATUNGONG LINGGO?

TOTOO BANG SI CONSTANTINE ANG NAGLIPAT NG SABBATH OBSERVANCE MULA SABADO PATUNGONG LINGGO?

Tanong: 

Ka Burnok, hello po, ask ko lang po kung totoo po ba na si Constantine ang naglipat ng Sabbath observance mula Sabado patunggong Linggo? Salamat po.  - Ehlmo Fernandez

Sagot:

Maraming salamat kapatid na Ehlmo sa iyong napakagandang tanong. Naalala ko tuloy ang nakasulat sa isang aklat na hindi ko na rin papangalanan. 

Sabbath observance mula Sabado patunggong Linggo
Sabbath observance mula Sabado patunggong Linggo

Totoo ba ang sinasabing ito ng aklat? Eh di, suriin natin. Ayon sa isang aklat, itong History of the Christian Church na isinulat ni Philip Schaff, sa Volume 3, Page 84, na nagsasabing: “The observance of Sunday originated in the time of the apostles, and ever since forms the basis of public worship, with its enobling, sanctifying, and cheering influences, in all Christian lands.”


History of the Christian Church, Volume III By Philip Schaff, © 1884 pp. 378
History of the Christian Church, Volume III By Philip Schaff, © 1884 pp. 378

Napaklaro naman ng nakasulat sa aklat. Ayon sa pala sa history, ang mga apostol talaga ang lumipat ng Sabbath observance mula Sabado patunggong Linggo. Sa isa naming aklat, itong A Concise History of the World na isinulat ni J.M. Roberts, sa pahina 164, ganito ang nakasulat: “From 320, the sun no longer appeared on his coins and his soldiers had to go to church parades. In 321, he made Sunday a public holiday (though he said this was out of respect for the sun-god).”


Reference: A Concise History of the World by J. M. Roberts, © 1993 pp. 164
Reference: A Concise History of the World by J. M. Roberts, © 1993 pp. 164

Mula sa nasabing aklat, dalawang bagay ang klaro. Una, ayon sa history, ginawang civil holiday ni Constantine ang SUNDAY at hindi po ang paglipat ng SABBATH mula Sabado patungong Linggo. Pangalawa, ginawa lang na holiday ni Constantine ang araw ng Linggo at walang kinalaman dito ang ARAW (SUN), kasi nga, isang taon bago nangyari ang pagpili sa Sunday bilang public holiday, ay hindi na makikita ang araw sa mga barya ni Constantine. Kaya mali naman ang intindi ng mga nagpapakalat ng tsismis tungkol sa kaugnayan ni Constantine sa Sabbath.

Kaya, klaro naman talaga na ang mga apostol ang naglipat ng Sabbath observance mula Sabado patunggong Linggo. Maaari ba nilang gawin ito? Basahin natin ang Mateo 18:18:

MATEO 18:18 (MAGANDANG BALITA BIBLIA)

Sinasabi ko sa inyo: anumang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at anumang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipahihintulot sa langit. 

Kaya, mali ang unawa ang mga nagpapakalat ng tsismis na ito. Hindi po si Constantine ang naglipat ng Sabbath observance mula Sabado patungong Linggo. Klaro po ito, mga kapatid.


Share:

No comments:

Post a Comment

Featured Post

SINO BA TALAGA ANG KATUPARAN NG 1 TIMOTEO 4:1, 3?

I TIMOTEO 4:1 (ANG DATING BIBLIA) Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa panana...

Recent Posts

Translate

Contact Us

Name

Email *

Message *