TOTOO BANG ISANG BIBLIA NG IGLESIA KATOLIKA ANG NANINIRA SA MGA TAGA SAKSI NI JEHOVAH?

TOTOO BANG ISANG BIBLIA NG IGLESIA KATOLIKA ANG NANINIRA SA MGA TAGA SAKSI NI JEHOVAH?

Isa sa mga naging aklat ko noon ay ang aklat ng Saksi ni Jehovah na bigay sa akin ng isang photographer na miyembro ng kanilang grupo. Ang aklat na “You Can Live Forever in Paradise on Earth” ang aking tinutukoy, na nagandahan naman ako dahil maraming mga colored pictures sa larawan. 

Tuwing maiisip ko yon, parang natawa na lang ako. Naalala ko kasi ang sabi niya dati, “Alam mo naman pala na ang salitang JEHOVAH ay ang pangalan ng Dios, ngunit, ang Iglesia Katolika (na siyang relihiyon ko hanggang ngayon) ay naninira dahil mali daw ang paggamit ng pangalang ito.” Tsaka pinapabasa sa akin ang aklat na ito. Sa pahina 43 ng nasabing aklat, ganito ang nakasulat: “For example, the Catholic Douay Version, which does not use God’s name in its main text, says in its footnote to Exodus 6:3: “Some moderns have framed the name Jehovah… the true pronounciation of the name, which is in the Hebrew text, by long disuse, is now quite lost.” (You Can Live Forever in Paradise on Earth, © 1982, pp. 43)

 

You Can Live Forever in Paradise on Earth, © 1982, pp. 43
You Can Live Forever in Paradise on Earth, © 1982, pp. 43

Parang pinapalitaw ng aklat na ang Iglesia Katolika ang nagsabi na mali ang pangalang JEHOVAH. Hindi ko po layunin saktan ang damdamin ng mga taga Saksi ni Jehovah dahil marami akong kilalang miyembro nila na mabait naman ngunit, masakit isipin na pawang nagpapahiwatig sila na ang Iglesia Katolika ang naninira sa paniniwala nilang ito.

Pero tanong: tama ba ang pinapahiwatig ng aklat? Ating bisitahin at suriin ang orihinal na aklat kung tama ba ang quotation na ginamit nila. Ayon sa orihinal na Douay-Rheims Bible, sa footnote nito sa Exodus 6:3, ganit ang nakasulat: “Hence, some moderns have framed the name Jehovah, UNKNOWN TO ALL THE ANCIENTS, WHETHER JEWS OR CHRISTIANS; for the true pronounciation of the name, which is in the Hebrew text, by long disuse, is now quite lost.” (The Holy Bible Translated from the Latin Vulgate, Douay-Rheims Bible, footnote to Exodus 6:3)

The Holy Bible Translated from the Latin Vulgate Douay-Rheims Bible Footnote to Exodus 6:3
The Holy Bible Translated from the Latin Vulgate Douay-Rheims Bible Footnote to Exodus 6:3

Klaro naman pala eh. Hindi pala ang Iglesia Katolika sa kasalukuyan ang nagsasabi nito, kundi, ang mismong mga unang Katolikong Kristiyano at mga Hudio. UNKNOWN pala sa kanila ang nasabing pangalan. Dito mo talaga makikita na may tinatago ang mga tagasulat ng aklat na Watchtower Bible and Tract Society sa mga mambabasa ng kanilang mga inilimbag na aklat. Kaya nagagamit sa paninira ang mga ganitong pamumutol.

Ipagdasal natin sila na sana, habang binabasa nila ang article na ito, ay mas lalo nilang maiintindihan ang katotohanan. Kaya, sa sinasabi ng nasabing aklat, BUSTED YAN, PALPAK!!!

You Can Live Forever in Paradise on Earth, © 1982, pp. 43
You Can Live Forever in Paradise on Earth, © 1982, pp. 43

Share:

No comments:

Post a Comment

Featured Post

SINO BA TALAGA ANG KATUPARAN NG 1 TIMOTEO 4:1, 3?

I TIMOTEO 4:1 (ANG DATING BIBLIA) Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa panana...

Recent Posts

Translate

Contact Us

Name

Email *

Message *