ANG DOKTRINA NG SANTISIMA TRINIDAD: IMBENTO LANG NGA BA NG IGLESIA KATOLIKA? (PART 2)


Tanong:

Magandang gabi Ka Burnok, isa po akong tagasubaybay ng iyong channel po at marami ako natutunan po. May isa po akong tanong na sana mabigyan ng linaw tungkol po sa pinapakalat ni URUR ANULECRAB o ruru barceluna po. Ito ay tungkol sa ''TRINITY”. Imbento lng daw po ito ng Katoliko, wala naman daw talaga nakasulat sa Biblia about dito. Gusto ko lang po mabigyang linaw po ito dahil itong si URUR marami ng kasinungalingan na pinapakalat sa mga groups po. Nakakaalarma na po kasi marami din ang mga naniniwala sa mga kasinungalingan niya. Salamat po Ka Burnok. God bless and more power po sa inyong channel.

- Bhem Penaflor Franco


Sagot: 

Maraming salamat sa iyong napakagandang katanungan. May isinend po siya sa atin na isang link that will lead us to an article, at para sa sagot natin, ipapakita natin ang ikalawang bahagi ng article na ito. Heto po ang sinasabi ng article ni URUR ANULECRAB:


TUNGKOL SA PAG IMBENTO NG TRINIDAD

"Though the exact terms in which the [Catholic] Church has formally defined the dogma of the Blessed Trinity ... are not in the Bible, and may, therefore, in a sense be called unscriptural. . .[The Divine Trinity: A Dogmatic Treatise, by Rt. Rev. Msgr. Joseph Pohle, p. 22]

Naloko na!!”



Base sa bahaging ito ng article, totoo ba ang kanyang sinasabi o baka siya ang nanloloko sa kanyang post? Tignan nga natin ang aklat na ginamit niya para patunayan na imbento lang daw ang Santisima Trinidad

Pansining mabuti. Mukhang may pinutol siya sa reperensyang ginamit, na pilit niyang iniiwasan. Huling-huli ka na! Hindi pala isinama ni URUR ang nasa susunod na parte ng aklat. Bakit iniiwasan ito ni URUR na ito? 

Grabe talaga siya: MANLOLOKO! Huli na naman ang modus ninyo. Bakit pilit niyong pinuputol ang reperensya? Hindi pala gawa-gawa ng Iglesia Katolika ang doktrina ng Santisima Trinidad dahil ayon sa hindi nila isinama sa reperensya, “yet materially, that is in substance, they correctly expresses the teaching of the New Testament, which, like the Church, explicitly acknowledges three real Persons in one Divine Nature, in which precisely the dogma of the ‘Trinity in Unity’ consists.” Kaya klarong palpak na naman ang mga ginagawa nila na isang MALAKING DECEPTION. Kaya, BUSTED YAN, PALPAK!


Ngayon, puntahan naman natin ang isa pang basehan ni URUR ANULECRAB:

TUNGKOL SA PAG IMBENTO NG TRINIDAD

Aminado na wala nga talaga sa Biblia ang paniniwalang ito, at imbento lamang ni Tertullano ang aral ukol sa Trinidad. Kailan ito nagsimulang ipangaral?

"It is a simple fact and an undeniable historical fact that several major doctrines that now seem central to the Christian Faith – such as the doctrine of the Trinity and the doctrine of the nature of Christ – were not present in a full and self-defined generally accepted form until the fourth and fifth centuries. If they are essential today – as all of the orthodox creeds and confessions assert – it must be because they are true. If they are true, then they must always have been true; they cannot have become true in the fourth and fifth century. But if they are both true and essential, how can it be that the early [Catholic] church took centuries to formulate them?" [The Doctrine of the Trinity Christianity’s Self- Inflicted Wound 1994 Anthony F. Buzzard Charles F. Hunting]

Ginamit naman niya ang aklat ni Anthony Buzzard at Charles Hunting. Eh, sino ba ang dalawang ito? Ayon sa article sa Wikipedia tungkol sa katauhan ni Anthony Buzzard:

“Following his break with Armstrong, in 1981 Buzzard, founded with the help of Charles F. Hunting, the Restoration Fellowship, a Christian group dedicated to missionary and teaching work all over the world. It is affiliated with the Church of God General Conference, a group founded in 1921, holding Adventist and Unitarian beliefs, similar to the Church of the Blessed Hope and Christadelphians. Buzzard publishes a monthly newsletter Focus on the Kingdom, and is co-editor of A Journal from the Radical Reformation, which explores continuity between the beliefs of Reformation groups - such as some Anabaptists, Socinians, early Unitarians and "Biblical Unitarian" groups today. Buzzard has been noted as one of the principal writers seeking a revival of early Unitarian beliefs.”

- https://en.wikipedia.org/wiki/Sir_Anthony_Buzzard,_3rd_Baronet



Kaya, para gamitin ito ng mga taga Iglesia ni Cristo ni Manalo ay pawang kapalpakan kasi mga Unitarian believers pala ang dalawa, kaya natural na sisiraan nila ang Trinitarian belief. Kaya, muli, palpak na naman ang nasabing reperensya, kaya, BUSTED YAN, PALPAK!!!

Dahil sa ating nabuko, napatunayan natin na nandadaya talaga sa reperensya ang mga disipulo ng Iglesia ni Cristo na tatag ni Manalo. Kaya salamat sa tanong, kapatid na Bhem Penaflor Franco at sana maliwanag ang ating naging sagot.


Share:

No comments:

Post a Comment

Featured Post

SINO BA TALAGA ANG KATUPARAN NG 1 TIMOTEO 4:1, 3?

I TIMOTEO 4:1 (ANG DATING BIBLIA) Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa panana...

Recent Posts

Translate

Contact Us

Name

Email *

Message *