Magandang gabi Ka Burnok, isa po akong tagasubaybay ng iyong channel po at marami ako natutunan po. May isa po akong tanong na sana mabigyan ng linaw tungkol po sa pinapakalat ni URUR ANULECRAB o ruru barceluna po. Ito ay tungkol sa ''TRINITY”. Imbento lng daw po ito ng Katoliko, wala naman daw talaga nakasulat sa bibliya about dito. Gusto ko lang po mabigyang linaw po ito dahil itong si URUR marami ng kasinungalingan na pinapakalat sa mga groups po. Nakakaalarma na po kasi marami din ang mga naniniwala sa mga kasinungalingan niya. Salamat po Ka Burnok. God bless and more power po sa inyong channel.
- Bhem Penaflor Franco
Sagot:
Maraming salamat sa iyong napakagandang katanungan. May isinend po siya sa atin na isang link that will lead us to an article, at para sa sagot natin, hahatiin natin sa dalawa ang article na ito. Heto po ang sinasabi ng article ni URUR ANULECRAB:
“TUNGKOL SA PAG IMBENTO NG TRINIDAD
"The term 'Trinity' is not found in Scripture [Bible], ... The invention of the term is ascribed to Tertullian." [Systematic Theology, by Augustus Hopkins Strong, page. 304 ]
Post ni URUR |
Naloko na!!”
Base sa bahaging ito ng article, totoo ba ang kanyang sinasabi o baka siya ang nanloloko sa kanyang post? Tignan nga natin ang aklat na ginamit niya para patunayan na imbento lang daw ang Santisima Trinidad:
Systematic Theology by Augustus Hopkins Strong pp. 304 |
Pansining mabuti. Mukhang may pinutol siya sa reperensyang ginamit, na pilit niyang iniiwasan. Huling-huli ka na! Kulang ng “although the conception it expresses is Scriptural”. Bakit iniiwasan ito ni URUR na ito? Alam niyo ba, ginamit din ito ng isang ministro ni Iglesia ni Cristo na si Dan Omar Leybag sa programa niyang Ang Pagbubunyag ang nasabing reperensya at tignan niyo kung paano niya tinupi ito:
Putol na reperensya |
Para sa kompletong video, panoorin po ito:
No comments:
Post a Comment