Isa sa sikat na argumento ng mga ministro at kahit mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo na inaamin daw ng Iglesia Katolika na ang Santo Papa daw ang ulo ng iglesia. Sa programa nilang Ang Pagbubunyag, sinabi ng isang ministro na kasinungalingan daw ang katuruang Katoliko.
Excerpt from Ang Pagbubunyag |
Naging kasinungalingan daw ito dahil ayon sa Biblia, sa unang bahagi ng Colosas 1:18, ang sabi: “At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia;” (Ang Dating Biblia). Pero, sa Katoliko daw, si Pedro at ang mga Santo Papa ang naging ulo ng iglesia.
Excerpt from Ang Pagbubunyag |
Para patunayan ang kanilang claim, lagi silang gumagamit ng mga aklat Katoliko. Gusto ko kayong bigyan ng halimbawa. May isang member na nagpost din ng kaparehang argumento pero ang kanyang ginamit na aklat na batayan ay ang aklat na A Catechism for Inquirers na isinulat ni Joseph Malloy. Heto ang post niya-
Isang post ng INC Member |
Atin ngang suriin ang nasabing reperensya. Sa aming pagsasaliksik, nahanap naming ang quotation na nagsasabing “The Bishop of Rome is the Poe. That is, a man elected by the cardinals to be the bishop of Rome and because he holds that office, he is the POPE, THE HEAD OF THE CATHOLIC CHURCH.” (A Catechism for Inquirers, pp. 63)
A Catechism for Inquirers, pp. 63
Heto ang tanong. Totoo ba ang claim na ito ng mga taga Iglesia ni Cristo ni Manalo o pawang nababaliw lang sila at INCOMPLETE lang talaga ang unawa nila? Titignan natin. Sa pahina 19 ng parehong aklat, ganito ang ating mababasa: “Christ himself is the true Head of the Church; the pope is his vicar and chief representative on earth.”
A Catechism for Inquirers, 4th Revised Edition, pp. 19 |
MATEO 28:20 (ANG DATING BIBLIA)Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng mga panahon.
CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH792 Christ "is the head of the body, the Church." He is the principle of creation and redemption. Raised to the Father's glory, "in everything he [is] preeminent," especially in the Church, through whom he extends his reign over all things.
ISAIAS 22:20-22 (ANG DATING BIBLIA)20 At mangyayari sa araw na yaon, na aking tatawagin ang aking lingkod na si Eliacim na anak ni Hilcias: 21 At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya’y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa sangbahayan ni Juda. 22 At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat; at siya’y magbubukas, at walang magsasara; at siya’y magsasara, at walang magbubukas.
MATEO 16:18-19 (ANG DATING BIBLIA)18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tinatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kinakalagan sa langit.
CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH936 The Lord made St. Peter the visible foundation of his Church. He entrusted the keys of the Church to him. The bishop of the Church of Rome, successor to St. Peter, is "head of the college of bishops, the Vicar of Christ and Pastor of the universal Church on earth
Salamat Ka Burnok....may namimitas na naman ng kapalpakan
ReplyDelete