TOTOO BANG ANG SANTO PAPA AY PINAPAYPAYAN DATI DAHIL GINAGAWA SIYANG DIOS NG MGA KATOLIKO?

TOTOO BANG ANG SANTO PAPA AY PINAPAYPAYAN DATI DAHIL GINAGAWA SIYANG DIOS NG MGA KATOLIKO?

Tanong: 

Magandang araw po, Ka Burnok. May nabasa akong post sa FaceBook na nagsasabing sa pagano po daw galing ang Katoliko dahil ang isa nilang ginagawa ay may kaparehas sa Ancient Egyptians. Ano po ba katotohanan dito? Salamat po!

-Veronica Catmon-


Sagot:
Maraming salamat kapatid na Veronica sa iyong napakagandang tanong. Gusto ko pong tignan ang statement ng post. Sabi kasi dito-

“Only difference is the fans on the Pope were not used to cool off the Pope, as he was supposed to appear to all idolaters as "God in the flesh", needing no fanning as he considered himself to be unaffected by the heat.”


Totoo kaya ito? Ano kaya ang tunay na layunin ng flabellum, na sinasabing pamaypay ng Santo Papa daw? Ayon sa The Catholic Encyclopedia, Volume VI, sa pahina 89, ay ganito ang ating mababasa:

“Flabellum, in liturgical use a fan made of leather, silk, parchment, or feathers intended to keep away insects from the Sacred Species and from the priest.”


Yon naman pala eh. Kung ang tao nga ay kailangang gumamit ng pamaypay, eh ang pari pa kaya? Kalokohan ang kumakalat na post na ito! Tandaan natin, ang mga sinasabing sacred species katulad ng mga rebulto, mga ostiya, at iba pa, ay dapat ilayo mula sa mga insekto. Ganon din ang mga pari at marahil, pati ang Santo Papa.

Heto naman ang tanong: dati ba ay ginagamit ito ng mga unang Kristiyano? Ayon sa Apostolic Constitutions 8:12 (VIII, 12), isang Church documentna isinulat noong 4th Century, ay ganito ang nakasulat:

“Let two of the deacons, on each side of the altar, hold a fan, made up of thin membranes, or of the feathers of the peacock, or of fine cloth, and let them silently drive away the small animals that fly about, that they may not come near to the cups”.


Maliwanag pa yan sa sikat ng araw. Tunay ngang ginamit pala yan ng mga unang Kristiyano. Kaya talagang malisyoso at lumilipad ang isip ng mga nagpapakalat ng propaganda na ito. Patawarin sana sila ng Dios sa kanilang pinapakalat na kasinungalingan na ito.


Share:

1 comment:

  1. Slots in Las Vegas: Review & Welcome Bonus - JTMHub
    slot 양주 출장샵 machine games for real money 통영 출장마사지 and get your hands on all your favourite 김해 출장샵 a slot 김제 출장안마 machine is a slot machine that you can play 순천 출장안마 on your mobile phone and

    ReplyDelete

Featured Post

SINO BA TALAGA ANG KATUPARAN NG 1 TIMOTEO 4:1, 3?

I TIMOTEO 4:1 (ANG DATING BIBLIA) Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa panana...

Recent Posts

Translate

Contact Us

Name

Email *

Message *