Tanong:
Hello po bro. Totoo ba itong nakita ko sa FaceBook na sa Iglesia Katolika, DIOS daw si Maria? Salamat po sa paglilinaw, bro.
- Alvin June Trono
Sagot:
Maraming salamat kapatid na Alvin sa iyong tanong. Grabe naman ang akusasyon ni Dave Francis Miranda. Susuriin natin kung tama ba ang sinasabi niya o pawang fake news na naman ito. Ayon kasi sa post niya “Di naman daw nila sinasamba si Maria, dinidiyos lang nila. Stupid Catholics mga utak katoks nga talaga.”
Fake news ni Dave Francis Miranda
Suriin nga natin. Ang tinutukoy na aklat ni Bro. Alvin ay ang aklat na may pamagat na “The Holy Mother Mary is God.” Ayon sa research namin, ito ay inilimbag noong 2013 ng Dedicated Lightworker Press. Ngayon, ang aklat na ito ba ay galing sa Iglesia Katolika? Suriin natin.
“The Holy Mother Mary is God.” |
Napag-alaman sa aming research na sa kanilang FaceBook Page, ang Dedicated Lightworker Press ay may kaugnayan sa InPower na siyang business ng Revelation 18 Church, at hindi ng Iglesia Katolika.
https://www.inpowermovement.com/ |
Kaya klaro pa sa sikat ng araw na ang nagpapakalat ng tsismis na ito na si ni Dave Francis Miranda ay nagpapakalat ng kasinungalingan, na napag-alaman nating isang Iglesia ni Cristo ni Manalo member pala. Ano ba ang sabi ng Biblia sa mga kagaya niya?
Roma 1:29, (Filipino Standard Version)
“Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman, at kahalayan. Naghari sa kanila ang pagkainggit, pagpaslang, pag-aaway, pandaraya, at masasamang hangarin. Sila'y naging mahihilig sa tsismis,”
Kaya, base sa Biblia, naging alipin ng kasamaan na ang nagpapakalat ng tsismis na ito. Masakit ito pero yan ang katotohanan. Maraming salamat kay kapatid na Alvin sa iyong tanong.
God bless po sa atin at Mabuhay ang Dios ng pag-ibig!
Palpak na myembro Ng Iglesia ni manalo..gagawin Ang lahat para Lang siraan Ang simbahang katoliko 🤣Kaya busted Yan🤣🤣🤣
ReplyDelete