TAGAGIBA DAW NG KATOTOHANAN ANG FACTBUSTERS PH KASI SA KANILANG PANGALAN?

TAGAGIBA DAW NG KATOTOHANAN ANG FACTBUSTERS PH KASI SA KANILANG PANGALAN?

Ang FactBusters PH ay nagsimula sa isang simpleng adhikain na bigyan ng linaw ang pananampalataya sa mga kapatid ni Ka Burnok sa kanilang samahan, na hindi na lang natin pangangalanan. Ngunit, habang patuloy na nag-uupload ng mga bagong videos sa kanilang YouTube Channel, ay marami din ang patuloy na sumusubaybay sa kanilang mga bagong episodes.

Dahil mas malawak na ang mga nanonood ng mga bagong episodes, may lumaki na ang kanilang naaabot at pati ang mga miyembro ng ibang mga grupong pangrelihiyon sa Pilipinas ay patuloy na naninira sa programa. Isa sa mga ito ay ang admin ng dating YouTube Channel na nawala na lang parang bula, ang The Armor of God Youtube Channel

Comment ng The Armor of God YouTube Channel sa isang episode ng FactBusters PH
Comment ng The Armor of God YouTube Channel sa isang episode ng FactBusters PH

Ang naninira na ito ay nagsasabing tagasira daw ng FACT ang FACTBUSTERS PH kasi base sa pangalan na FACTBUSTERS, tagasira daw ito ng FACT. Ano ba ang basehan niya sa kaniyang sinabi?

Comment ng The Armor of God YouTube Channel sa isang episode ng FactBusters PH
Comment ng The Armor of God YouTube Channel sa isang episode ng FactBusters PH

Nagbase pa siya ng argumento niya sa Oxford Dictionary. Grabe talaga ang admin na ito ng The Armor of God YouTube Channel na napag-alaman nating miyembro ng Members Church of God International. Pero, ito ang tanong. Totoo ba ang sinasabing ito ng admin ng Armor of God YouTube Channel?

Ang salitang FACTBUSTERS ay isang halimbawa ng tinatawag nating COMPOUND WORD. Ano ba ang COMPOUND WORD? Babasahin natin ang nakasulat sa English Phonetics and Phonology na isinulat ni Peter Roach, sa pahina 82, ganito ang nakasulat: “Complex words are of two major types… and compound words, which are made of two (or occasionally more) INDEPENDENT English words (e.g. ‘ice cream’, ‘armchair’).


English Phonetics and Phonology, by Peter Roach pp. 82, 86

Klaro po ng nakasulat na ito sa nasabing aklat. Ang compound word ay isang complex word na mula sa dalawang INDEPENDENT na English words. Kaya, hindi ibig sabihin na pag sinabi nating FACTBUSTERS, pwede nating sabihin na sinisira natin ang FACT. Maling unawa iyan. Isang palpak na unawa iyan.

Isiping ito ng mabuti!

Kung tama ang unawa ng mga nagsasabing tagasira ng FACT ang FACTBUSTERS dahil sa pangalan nito, eh, ibig palang sabihin, pag sinabing BUTTERFLY, dapat ay BUTTER pala ang lumilipad? Mukhang maling logic yata iyon.

Kaya mali ay palpak ang argumento ng mga naninira sa mga nagmamahal sa FactBusters PH. Pero ito ang tanong: bakit FACTBUSTERS PH ang pangalan ng programang ito? Kasi, ating layunin na ibisto ang ipinapakalat na FACT DI UMANO ng mga tao at naninira pa sa Iglesia Katolika. Yan po ang sinisira natin. Kaya sa mga makitid ang unawa, nahuhulog kayo lagi sa kumunoy.


Share:

1 comment:

Featured Post

SINO BA TALAGA ANG KATUPARAN NG 1 TIMOTEO 4:1, 3?

I TIMOTEO 4:1 (ANG DATING BIBLIA) Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa panana...

Recent Posts

Translate

Contact Us

Name

Email *

Message *