Viral ngayon sa social media ang paninira ng isang mangangaral na nagpapakilalang Appointed Son of God sa Davao City na si Pastor Apollo Quiboloy sa Santisima Trinidad na doktrina ng Iglesia Katolika. Ayon pa nga sa isang larawan na quoted sa sinabi ni Pastor Quiboloy sa programa niyang Give Us this Day, ay ganito ang sinasabi, “You believers of the Trinity, whether you hide it or not, or expound it otherwise or not, you are believers of three Gods.”
Opinion ni Pastor Quiboloy |
Grabe naman ang pastor na ito. Ano ba ang katibayan niya para sabihing totoo ang kanyang sinasabi? Naalala ko, dati, may nagtanong sa kanilang programa, at ito ang tanong:
Program Host: Pastor, another question from a viewer. In Matthew 28:19-20, bago po umakyat si Hesus sa langit, sinabi niya sa kanyang mga disipulo na magbautismo kayo in the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit. Please help me understand this because Pastor you mentioned several times that there is no TRINITY found in the Holy Scriptures. I am confused.
Paano naman ito sinagot ng nagpapakilalang Appointed Son of God daw?
Quiboloy: Hindi ito TRINITY. Ginawang Trinity, eh. Yun interpret nila, Trinity. Sinabi niya, bautismuhan ninyo sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito. Yung pangalan ng Ama, ano yon? Yung pangalan ng Anak, ng Espirito, ano yon? Gusto mong malaman, yung pangalan na yon, singular. Hindi niya sinabi, sa mga pangalan ng Ama, ng Anak at Espirito. Sapagkat ang Ama, hindi pangalan. Ang Anak, hindi pangalan, at ang Espirito Santo, hindi pangalan. Mga titulo yan ng isang pangalan. (Panooring ang video dito sa )
Totoo kaya ang sinabi ni Quiboloy? Ating suriin ang nakasulat sa Mateo 28:19
MATEO 28:19 (MAGANDANG BALITA BIBLIA)
Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo,
Totoo kaya na isang persona lang ang tinutukoy ng pangalang Ama, Anak at Espirito Santo? Suriin natin gamit ang original Greek Text.
Mateo 28:19 Greek Interlinear |
Ating ifocus ang Greek line na-
“…eis to onoma tou Patros kai tou Huiou kai tou Hagiou Pneumatos”
Base sa Greek Grammar, ang tou ay isang article, ang Patros, Huiou at Pneumatos ay mga nouns at may conjunction na kai na naghihiwalay sa tatlong nouns.
article, noun --- conjunction – article, noun -- conjunction – article, (adjective) noun |
Mula dito, may format ito na:
article, noun --- conjunction – article, noun -- conjunction – article, (adjective) noun
Ibig sabihin, may format talaga ito. Ayon sa mga Bible scholars, ano ba ang pinapahiwatig nito kapag may ganitong format na nakikita sa talata? Babasahin natin ang aklat na A Greek Grammar of the New Testament na isinulat ni Curtis Vaughn at Virtus Gideon, sa page 83, ganito ang nakasulat “If two nounds of the same case are connected by kai and the article is used with both nouns, they refer to different persons or things.” Ito po ay tinatawag na Sharp’s Rule.
Sharp’s Rule |
Napakaklaro pala eh. Ibig sabihin, mali pala si Quiboloy. Ang pangalan ng Ama ay tumutukoy sa isang persona; ibang persona naman ang tinutukuyan ng pangalan ng Anak at ibang persona rin ang tinutukuyan ng Espirito Santo, base sa Mateo 28:19.
Kaya, mali talaga si Pastor Quiboloy. Tandaan, tatlong persona ang tinutukoy sa Mateo 28:19 at hindi iisang persona. Pasensya na po kung masakit ang sasabihin ko pero, hindi totoo ang sinasabi ng nagpapakilalang Appointed Son of God na si Pastor Quiboloy, kaya, BUSTED YAN, PALPAK!!!
Panoorin ang Video Kung paano sinagot ni Ka Burnok si PACQ
No comments:
Post a Comment