KASINUNGALINGAN NI ELI SORIANO TUNGKOL SA LIMBO, TATALAKAYIN NATIN!

KASINUNGALINGAN NI ELI SORIANO TUNGKOL SA LIMBO, TATALAKAYIN NATIN!

Isa sa mga mangangaral na dating tumutuligsa sa Iglesia Katolika ay ang Over-all Servant ng Members Church of God International na si Eliseo Soriano. Hinahangaan siya ng kaniyang mga tagasuporta dahil sa mga maaanghang niyang pahayag tungkol sa ibang relihiyon lalong-lalo na sa Iglesia Katolika.

Ngayon, ating susuriin ang isang article sa blog niyang Controversy Extraordinary, sa title na “Learn Biblical Mathematics” na isinulat noong June 16, 2018, ayon sa website nila. Heto ang nakasaad dito: 

“I said once in my Bible expositions that, “If you are going to believe the present Pope Benedict XVI, you have to disown all the previous popes before him who claimed infallibility in their teachings.” Why? They all taught that there is limbo where babies who died unbaptized will go because they cannot go to heaven.”

Tapos, dipa quote pa sila ng aklat Katoliko na Modern Catholic Dictionary sa page 319. 

https://www.controversyextraordinary.com/2018/06/mathematics-in-the-Bible.html

Dagdag pa ni Eli Soriano-

“I also said, ‘If you are going to believe the 263 Popes before Benedict XVI and believe in the infallibility of all of them, then, you have to disown Benedict XVI who says that there exists no limbo and unbaptized children will go to heaven.’”

Grabe talaga ang mga remarks ni Eli Soriano sa kanyang blog. Pero, heto ang tanong: Totoo kaya ang pinagsasasabi ni Eli Soriano sa blog na ito? Mas mainam na ating suriin mismo ang ginamit niyang reperensya:

Atin na pong nasuri ng mabuti ito. Ngayon, totoo bang doktrina ni Iglesia Katolika ang LIMBO o hindi? Kasi sa reperensyang ginamit ni Eli Soriano, mapapansin na may iniwasan siyang basahin. Sa pahina 320 ng nasabing aklat, ganito ang ating mababasa: “The Church has never defined the existence of limbo, although she has more than once supported the fact by her authority.”

Modern Catholic Dictionary © 1966 by John Hardon Page 319 – 320

Ayan naman pala eh! Buking ka ni Ka Burnok, Mr. Eliseo Soriano. Halatang mali ata ang sinasabi mo! Hindi pala opisyal na dogma o doktrina ng Iglesia Katolika ang limbo eh. Kaya, huling-huli ka na naman, Mr. Soriano. Kaya sa sinasabi mong mali ang turo ng mga Santo Papa bago sinabi ni Pope Benedict XVI na mali ang limbo of infants, BUSTED YAN!

Share:

No comments:

Post a Comment

Featured Post

SINO BA TALAGA ANG KATUPARAN NG 1 TIMOTEO 4:1, 3?

I TIMOTEO 4:1 (ANG DATING BIBLIA) Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa panana...

Recent Posts

Translate

Contact Us

Name

Email *

Message *