Marami na ngayong mga iglesia na lumilipana sa mundo. Sa kasalukuyan, may may humigit kumulang nang 45,000 na mga denominasyon ang naglipana sa mundo ayon sa isang article ni Donavny Coffey na inilabas noong February 27, 2021. Sa article niya sa LiveScience.com, “Why does Christianyity have so many denominations?” ipinakita ditto kung paano dumami ang mga naitayong mga sekta.
45,000 Christian Denomination |
Heto po ngayon ang tanong. Paano mo ba malalaman kung ang iglesia mo ay tunay na sa Dios? Babasahin natin ang nakasulat sa Mateo 16:18-19:
MATEO 16:18-19 (ANG SALITA NG DIYOS)
18 At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng paghahari ng langit. Anuman ang iyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
Base sa talata, si Cristo ang nagtayo ng iglesia na sa Dios. Tandaan, ang nagtayo ng iglesia na ang ating Panginoong Hesukristo ay siya ring ulo ng iglesiang itinayo niya (Colosas 1:18). Kaya, dapat, base sa kasaysayan, makikita natin na ang isang iglesia ay itinayo ni Cristo at hindi ng tao.
Isa sa mga sektang pangrelihiyon sa Pilipinas ay ang Jesus is our Shield Worldwide Ministries, Inc., na alam naman natin ay si Apostle Renato Carillo. Mas nakilala siya bilang Pastor Butiki dahil sa pangungutya niya sa Benedictine cross na suot ng isang babaeng dumulog sa kanya na ang nasabing video ay naging viral. Babasahin natin sa aklat niyang The Blessing of Praying in Tongues, ganito ang ating mababasa:
“He (Apostle Renato Carillo) is the Founder and Spiritual Director of Jesus is our Shield Worldwide Ministries, Inc., an ever growing ministry with hundreds of established chapters all over the world.”
The Blessing of Praying in Tongues By Apostle Renato Carillo pp. 2 |
Base dito, inamin na niya mismo sa aklat na siya ang founder ng nasabing sekta at hindi ang ating Panginoong Hesukristo. Tanong, dahil siya ang nagtayo ng nasabing iglesia, ito ba ang tunay na iglesia na sa Dios? Tandaan natin, ayon sa Biblia-
AWIT 127:1 (ANG BAGONG ANG BIBLIA)
Malibang ang PANGINOON ang magtayo ng bahay, ang mga nagtayo nito ay walang kabuluhang nagpapagod. Malibang ang PANGINOON ang magbantay sa lunsod, ang bantay ay nagpupuyat nang walang kabuluhan.