ANG KATOTOHANAN SA TUNAY NA IGLESIA NA TATAG NI CRISTO AYON SA BIBLIA (PART 2)

ANG KATOTOHANAN SA TUNAY NA IGLESIA NA TATAG NI CRISTO AYON SA BIBLIA (PART 2)

Isa sa mga iglesia sa Pilipinas na grabe talaga kung manuligsa sa Iglesia Katolika, ang Iglesia ni Cristo. Ang nasabing grupo ay tinaguriang “Philippine’s Largest Cult”ng Google, at kung ito naman ang ipapahayag mo, ay siguradong masakit ito sa mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo, kaya, pauna ko na itong sasabihin: PANGANGARAL LANG PO ITO.

Iglesia ni Manalo bilang largest Cult according to Google
Iglesia ni Manalo bilang largest Cult according to Google

Ngayon, tatanungin natin sila: “Sila ba ay nagsasabing sila ang tunay na iglesia?” Babasahin natin sa isang issue ng Pasugo Magazine, sa August 2019, sa pahina 2: “Does the Iglesia ni Cristo merely claim that it is the true Church? The Iglesia ni Cristo (Church of Christ) does not merely claim that it is the true Church.”

The Iglesia ni Cristo (Church of Christ) does not merely claim that it is the true Church.
The Iglesia ni Cristo (Church of Christ) does not merely claim that it is the true Church.

Klaro sa nasabing pag-amin ng nasabing babasahin nila. Tahasan nilang inaamin na hindi sila nagsasabing sila ang tunay na Iglesia na sa Dios. Eh bakit kaya ganito ang kanilang sinabi? Sa dulo ng article, ganito ang ating mababasa:

Self interpretation ng INC
Self interpretation ng INC

“Therefore, the Iglesia ni Cristo is the fulfilment of the other sheep of Christ that He prophesied in John 10:16. This is the reason its members ARE CERTAIN THAT THEY ARE IN THE TRUE CHURCH that is of Christ and that they are also of God, for He calls them as His sons and daughters. This truth is not a mere claim but based on the Bible.”

- Pasugo Magazine, August 2019, pp.2

Ibig sabihin, kumakapit pala sila sa interpretasyon nila sa isang propesiya daw sa Biblia kaya sinabi nilang sila ang tunay na iglesia na sa Dios. Ngayon, ang tanong, ayon sa Biblia, tama ba ang ginagawang ito ng mga taga Iglesia ni Cristo? Babasahin natin ang isang talata sa Biblia:

I PEDRO 1:20-21 ANG DATING BIBLIA
20 Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni’t inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo, 21 Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios.

Tandaan natin, na base sa nakasulat sa Mateo 16:18-19 na ang nakasulat ay:

MATEO 16:18-19, ANG SALITA NG DIOS
18 At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng paghahari ng langit. Anuman ang iyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

 si Cristo ang nagtayo ng iglesia na sa Dios. Tandaan, ang nagtayo ng iglesia na ang ating Panginoong Hesukristo ay siya ring ulo ng iglesiang itinayo niya (COLOSAS 1:18). Kaya, dapat, base sa kasaysayan, makikita natin na ang isang iglesia ay itinayo ni Cristo at hindi ng tao (JOB 8:8, THE LIVING BIBLE)

Ngayon, base sa kasaysayan, ang nagtayo ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas ay si Felix Manalo, at hindi talaga si Cristo. Kahit ano pang palusot nila, talagang wala silang koneksyon sa tunay na iglesia na tayo ni Cristo. At sa sinasabi ng Pasugo Magazine, na bumabatay pala sila sa propesiya sa Juan 10:16. Tanong, sino ba ang katuparan ng nasa Juan 10:16? Basahin natin ang nasa isang salin ng Biblia:

Letra Por Letrang Iglesia Katolika ayon sa Biblia
Letra Por Letrang Iglesia Katolika ayon sa Biblia

Paraphrase of the New Testament
Paraphrase of the New Testament

Kaya klaro na ang Iglesia Katolika at hindi ang Iglesia ni Cristo ni Manalo ang tunay na katuparan ng Juan 10:16 at ang tinutukoy na tunay na iglesia na sa Dios!

Iglesia Katolika bilang katuparang ng Juan 10:16
Iglesia Katolika bilang katuparang ng Juan 10:16


Share:

ANG KATOTOHANAN SA TUNAY NA IGLESIA NA TATAG NI CRISTO AYON SA BIBLIA (PART 1)

ANG KATOTOHANAN SA TUNAY NA IGLESIA NA TATAG NI CRISTO AYON SA BIBLIA (PART 1)

Marami na ngayong mga iglesia na lumilipana sa mundo. Sa kasalukuyan, may may humigit kumulang nang 45,000 na mga denominasyon ang naglipana sa mundo ayon sa isang article ni Donavny Coffey na inilabas noong February 27, 2021. Sa article niya sa LiveScience.com, “Why does Christianyity have so many denominations?” ipinakita ditto kung paano dumami ang mga naitayong mga sekta.

45,000 Christian Denomination
45,000 Christian Denomination

Heto po ngayon ang tanong. Paano mo ba malalaman kung ang iglesia mo ay tunay na sa Dios? Babasahin natin ang nakasulat sa Mateo 16:18-19:

MATEO 16:18-19 (ANG SALITA NG DIYOS)

18 At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng paghahari ng langit. Anuman ang iyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

Base sa talata, si Cristo ang nagtayo ng iglesia na sa Dios. Tandaan, ang nagtayo ng iglesia na ang ating Panginoong Hesukristo ay siya ring ulo ng iglesiang itinayo niya (Colosas 1:18). Kaya, dapat, base sa kasaysayan, makikita natin na ang isang iglesia ay itinayo ni Cristo at hindi ng tao. 

Isa sa mga sektang pangrelihiyon sa Pilipinas ay ang Jesus is our Shield Worldwide Ministries, Inc., na alam naman natin ay si Apostle Renato Carillo. Mas nakilala siya bilang Pastor Butiki dahil sa pangungutya niya sa Benedictine cross na suot ng isang babaeng dumulog sa kanya na ang nasabing video ay naging viral. Babasahin natin sa aklat niyang The Blessing of Praying in Tongues, ganito ang ating mababasa:

“He (Apostle Renato Carillo) is the Founder and Spiritual Director of Jesus is our Shield Worldwide Ministries, Inc., an ever growing ministry with hundreds of established chapters all over the world.”

The Blessing of Praying in Tongues By Apostle Renato Carillo pp. 2

Base dito, inamin na niya mismo sa aklat na siya ang founder ng nasabing sekta at hindi ang ating Panginoong Hesukristo. Tanong, dahil siya ang nagtayo ng nasabing iglesia, ito ba ang tunay na iglesia na sa Dios? Tandaan natin, ayon sa Biblia-

AWIT 127:1 (ANG BAGONG ANG BIBLIA)
Malibang ang PANGINOON ang magtayo ng bahay, ang mga nagtayo nito ay walang kabuluhang nagpapagod. Malibang ang PANGINOON ang magbantay sa lunsod, ang bantay ay nagpupuyat nang walang kabuluhan.
Wala talagang kabuluhan kapag ang iglesia na ang ulo ay si Cristo ay itinayo ng tao. Kaya, dapit nating tanggapin na ang iglesia ay itinayo dapat ni Cristo at hindi kung sinuman. Pero, kung ating tignan, malalaman natin kung tunay nga silang iglesia dahil sasabihin talaga nila na sila ay tunay na itinayo ni Cristo. Isang halimbawa ang samahan ni Eli Soriano, ang Members Church of God International. Tatanungin natin si Eli Soriano kung sila ba ay naniniwala na sila ang tunay na iglesia na sa Dios? Panoorin ang video na ito:
Inamin naman pala ni Eli Soriano eh. Ibig sabihin, hindi pala sila ang tunay na iglesia na ang nagtatag ay ang ating Panginoong Hesukristo. Wala naman silang katibayan na sila ay ang kasalukuyang iglesia na may kaugnayan sa ating Panginoong Hesukristo kasi base sa sinabi niya, NAKIANIB lang daw sila. Sila lang ang nagclaim na nakianib sila. Sino ba ang tumanggap? Kaya klaro po, mga kapatid na hindi nga sila ang iglesia na itinayo ng ating Panginoong Hesukristo.




Share:

TOTOO BA ANG SINASABING MARIA DIVINE MERCY?

TOTOO BA ANG SINASABING MARIA DIVINE MERCY?

Tanong:
Good day po Ka Burnok. I want you to investigate bro the group of Maria Divine Mercy, kasi marami sa aming community ang nabrainwashed ng group na ito. Salamat po and God bless!
- Marky Bodiongan, via Gmail

Sagot:

    Salamat po sa inyong tanong, kapatid. Heto po ang sagot sa inyong tanong. Isa pong statement ang inilabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) noong July 1, 2019, sa kanilang website na CBCP News, may article doon na “CBCP warns against ‘Maria Divine Mercy’” ay ganito po ang nakasaad doon:

The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) has warned the faithful against a fake prophet and preacher.

In a letter to the dioceses June 29, Archbishop Romulo Valles of Davao, CBCP President, urged the faithful to be “very careful” with the group called “Maria Divine Mercy”.

“They bring confusion and propagate erroneous, false and distorted teachings to our Catholic faithful,” said Archbishop Valles.

Maria Divine Mercy is the name assumed by what is believed to be a self-proclaimed Irish seer called Mary Carberry.

Mary Carberry
Mary Carberry

Carberry has claimed for years to have received messages from Jesus Christ and the Virgin Mary.

Mary Carberry
Mary Carberry

Among these messages included apocalyptic predictions about Pope Benedict XVI’s resignation, and words to the effect that Pope Francis was a false prophet.

CBCP News Article:  CBCP warns against ‘Maria Divine Mercy’ July 1, 2019
CBCP News Article:  CBCP warns against ‘Maria Divine Mercy’ July 1, 2019

To date, she remains to have a significant international following. In the Philippines, their activities are being held in Cebu, Iloilo, Bukidnon, Zamboanga and Batangas.

The CBCP letter stemmed from complaints raised by Divine Mercy devotees, through Bishop Ruperto Santos of Balanga.

Bishop Santos, who is also the World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) Asia episcopal coordinator, said the group’s activities in the country “is a cause for alarm”.

- Article CBCP warns against ‘Maria Divine Mercy’, written July 1, 2019


    Base pala sa nasabing article na inilabas ng CBCP, isang self-proclaimed Irish seer na si Mary Carberry nagmula ang Maria Divine Mercy at siya ay nagsasabing nakatanggap daw ng mga mensahe mula sa ating Panginoong Hesukristo at kay Birheng Maria. Isa sa mga nabanggit niya sa aklat niyang The Book of Secrets ay ang prediksyon niya tungkol sa pagreresign ni Pope Benedict XVI at sinasabi niyang bulaang propeta daw si Pope Francis.

    Suriin natin ang isa sa mga sinabi ni Mary Carberry. Isa sa mga pahayag niya ay ganito:

MDM July 22nd 2013
MDM July 22nd 2013

    “The Church has been infested from the inside, by enemies of God. They – and there are twenty of them who control from within – have created the greatest deceit. They have elected a man, not of God, while the Holy Father, accorded the Crown of Peter, has been carefully removed."

- MDM July 22nd 2013

Base sa naging pahayag niya, pinapalabas niya na hindi nagresign si Pope Benedict XVI, kundi siya ay pilit na pinapaalis ng mga nasa Vatican. Totoo naman kaya itong pahayag niya? Sa FAREWELL ADDRESS OF HIS HOLINESS POPE BENEDICT XVI TO THE EMINENT CARDINALS PRESENT IN ROME na sinalita ni Pope Benedict XVI sa Clementine Hall noong February 28, 2013, ay ganito ang ating makikita:

    “I would like to tell you that I shall continue to be close to you with my prayers, especially in these coming days, that you may be completely docile to the action of the Holy Spirit in the election of the new pope. May the Lord show you the one whom he wants. And among you, in the College of Cardinals, there is also the future pope to whom today I promise my unconditional reverence and obedience.”

http://www.vatican.va/content/benedict-xvi/en/speeches/2013/february/documents/hf_ben-xvi_spe_20130228_congedo-cardinali.html


    Kaya, mali talaga ang propetang ito na nagpapakalat ng kasinungalingan. Kaya, bilang pagsunod sa bilin ng Iglesia Katolika sa pamamagitan ng CBCP, ay hindi tayo dapat maging involved sa Maria Divine Mercy. Hindi kasi ito aprubado ng Simbahang Katoliko. Dahil din dito, si Mary Carberry ay isa sa mga gumagawa ng propesiya na hindi totoo at ganito ang sinasabi ng Biblia tungkol dito:

DEUTERONOMIO 18:22 (ANG BIBLIA 1905)

Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya. 



Share:

PAGTULIGSA NG YOUTUBE CHANNEL NA “DRAMA NATIN TO TV” SA IGLESIA KATOLIKA, IBUBUKO NATIN!

PAGTULIGSA NG YOUTUBE CHANNEL NA “DRAMA NATIN TO TV” SA IGLESIA KATOLIKA, IBUBUKO NATIN!

Isa sa namamayagpag na YouTube Channel ngayon ay ang Drama Natin To TV na, alam natin, ay mula sa isang miyembro ng Iglesia ni Cristo. Noong una, napansin ko, ay puro mga tungkol sa Iglesia ni Cristo ang kanyang content, pero ngayon ay, may mga video siya na tumutuligsa sa Iglesia Katolika.

Isa sa mga naging video niya ay ang video na may pamagat na “Bible Verse Dinagdagan Para Umayon sa kanilang katwirang aral Katoliko” na iniupload noong July 16, 2021. Sa nasabing video, kaniyang tinira ang sinasabi ng isang pari na kilala natin sa pangalang Fr. Abe Arganiosa. Si Fr. Abe, kung tawagin ng ilan, ay ang kasalukuyang National Spiritual Adviser ng Catholic Faith Defenders – National, at isa sa mga inspirasyon ng programang ito, para depensahan ang ating pananampalataya.

Panoorin sa episode na ito ng FactBusters PH ang ginawa ng nasabing YouTube Channel.



Share:

ANG DOKTRINA NG SANTISIMA TRINIDAD: IMBENTO LANG NGA BA NG IGLESIA KATOLIKA? (PART 2)


Tanong:

Magandang gabi Ka Burnok, isa po akong tagasubaybay ng iyong channel po at marami ako natutunan po. May isa po akong tanong na sana mabigyan ng linaw tungkol po sa pinapakalat ni URUR ANULECRAB o ruru barceluna po. Ito ay tungkol sa ''TRINITY”. Imbento lng daw po ito ng Katoliko, wala naman daw talaga nakasulat sa Biblia about dito. Gusto ko lang po mabigyang linaw po ito dahil itong si URUR marami ng kasinungalingan na pinapakalat sa mga groups po. Nakakaalarma na po kasi marami din ang mga naniniwala sa mga kasinungalingan niya. Salamat po Ka Burnok. God bless and more power po sa inyong channel.

- Bhem Penaflor Franco


Sagot: 

Maraming salamat sa iyong napakagandang katanungan. May isinend po siya sa atin na isang link that will lead us to an article, at para sa sagot natin, ipapakita natin ang ikalawang bahagi ng article na ito. Heto po ang sinasabi ng article ni URUR ANULECRAB:


TUNGKOL SA PAG IMBENTO NG TRINIDAD

"Though the exact terms in which the [Catholic] Church has formally defined the dogma of the Blessed Trinity ... are not in the Bible, and may, therefore, in a sense be called unscriptural. . .[The Divine Trinity: A Dogmatic Treatise, by Rt. Rev. Msgr. Joseph Pohle, p. 22]

Naloko na!!”



Base sa bahaging ito ng article, totoo ba ang kanyang sinasabi o baka siya ang nanloloko sa kanyang post? Tignan nga natin ang aklat na ginamit niya para patunayan na imbento lang daw ang Santisima Trinidad

Pansining mabuti. Mukhang may pinutol siya sa reperensyang ginamit, na pilit niyang iniiwasan. Huling-huli ka na! Hindi pala isinama ni URUR ang nasa susunod na parte ng aklat. Bakit iniiwasan ito ni URUR na ito? 

Grabe talaga siya: MANLOLOKO! Huli na naman ang modus ninyo. Bakit pilit niyong pinuputol ang reperensya? Hindi pala gawa-gawa ng Iglesia Katolika ang doktrina ng Santisima Trinidad dahil ayon sa hindi nila isinama sa reperensya, “yet materially, that is in substance, they correctly expresses the teaching of the New Testament, which, like the Church, explicitly acknowledges three real Persons in one Divine Nature, in which precisely the dogma of the ‘Trinity in Unity’ consists.” Kaya klarong palpak na naman ang mga ginagawa nila na isang MALAKING DECEPTION. Kaya, BUSTED YAN, PALPAK!


Ngayon, puntahan naman natin ang isa pang basehan ni URUR ANULECRAB:

TUNGKOL SA PAG IMBENTO NG TRINIDAD

Aminado na wala nga talaga sa Biblia ang paniniwalang ito, at imbento lamang ni Tertullano ang aral ukol sa Trinidad. Kailan ito nagsimulang ipangaral?

"It is a simple fact and an undeniable historical fact that several major doctrines that now seem central to the Christian Faith – such as the doctrine of the Trinity and the doctrine of the nature of Christ – were not present in a full and self-defined generally accepted form until the fourth and fifth centuries. If they are essential today – as all of the orthodox creeds and confessions assert – it must be because they are true. If they are true, then they must always have been true; they cannot have become true in the fourth and fifth century. But if they are both true and essential, how can it be that the early [Catholic] church took centuries to formulate them?" [The Doctrine of the Trinity Christianity’s Self- Inflicted Wound 1994 Anthony F. Buzzard Charles F. Hunting]

Ginamit naman niya ang aklat ni Anthony Buzzard at Charles Hunting. Eh, sino ba ang dalawang ito? Ayon sa article sa Wikipedia tungkol sa katauhan ni Anthony Buzzard:

“Following his break with Armstrong, in 1981 Buzzard, founded with the help of Charles F. Hunting, the Restoration Fellowship, a Christian group dedicated to missionary and teaching work all over the world. It is affiliated with the Church of God General Conference, a group founded in 1921, holding Adventist and Unitarian beliefs, similar to the Church of the Blessed Hope and Christadelphians. Buzzard publishes a monthly newsletter Focus on the Kingdom, and is co-editor of A Journal from the Radical Reformation, which explores continuity between the beliefs of Reformation groups - such as some Anabaptists, Socinians, early Unitarians and "Biblical Unitarian" groups today. Buzzard has been noted as one of the principal writers seeking a revival of early Unitarian beliefs.”

- https://en.wikipedia.org/wiki/Sir_Anthony_Buzzard,_3rd_Baronet



Kaya, para gamitin ito ng mga taga Iglesia ni Cristo ni Manalo ay pawang kapalpakan kasi mga Unitarian believers pala ang dalawa, kaya natural na sisiraan nila ang Trinitarian belief. Kaya, muli, palpak na naman ang nasabing reperensya, kaya, BUSTED YAN, PALPAK!!!

Dahil sa ating nabuko, napatunayan natin na nandadaya talaga sa reperensya ang mga disipulo ng Iglesia ni Cristo na tatag ni Manalo. Kaya salamat sa tanong, kapatid na Bhem Penaflor Franco at sana maliwanag ang ating naging sagot.


Share:

AYON SA MGA TAGA IGLESIA NI CRISTO NI FELIX MANALO, ANG SANTO PAPA DAW ANG HEAD NG IGLESIA KATOLIKA AT ITO DAW AY LABAG SA BIBLIA. TOTOO BA ITO?

AYON SA MGA TAGA IGLESIA NI CRISTO NI FELIX MANALO, ANG SANTO PAPA DAW ANG HEAD NG IGLESIA KATOLIKA AT ITO DAW AY LABAG SA BIBLIA. TOTOO BA ITO?

Isa sa sikat na argumento ng mga ministro at kahit mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo na inaamin daw ng Iglesia Katolika na ang Santo Papa daw ang ulo ng iglesia. Sa programa nilang Ang Pagbubunyag, sinabi ng isang ministro na kasinungalingan daw ang katuruang Katoliko.

Excerpt from Ang Pagbubunyag
Excerpt from Ang Pagbubunyag

Naging kasinungalingan daw ito dahil ayon sa Biblia, sa unang bahagi ng Colosas 1:18, ang sabi: “At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia;” (Ang Dating Biblia). Pero, sa Katoliko daw, si Pedro at ang mga Santo Papa ang naging ulo ng iglesia.

Excerpt from Ang Pagbubunyag
Excerpt from Ang Pagbubunyag

Para patunayan ang kanilang claim, lagi silang gumagamit ng mga aklat Katoliko. Gusto ko kayong bigyan ng halimbawa. May isang member na nagpost din ng kaparehang argumento pero ang kanyang ginamit na aklat na batayan ay ang aklat na A Catechism for Inquirers na isinulat ni Joseph Malloy. Heto ang post niya-

Isang post ng INC Member
Isang post ng INC Member

Atin ngang suriin ang nasabing reperensya. Sa aming pagsasaliksik, nahanap naming ang quotation na nagsasabing “The Bishop of Rome is the Poe. That is, a man elected by the cardinals to be the bishop of Rome and because he holds that office, he is the POPE, THE HEAD OF THE CATHOLIC CHURCH.” (A Catechism for Inquirers, pp. 63)

A Catechism for Inquirers, pp. 63
A Catechism for Inquirers, pp. 63

Heto ang tanong. Totoo ba ang claim na ito ng mga taga Iglesia ni Cristo ni Manalo o pawang nababaliw lang sila at INCOMPLETE lang talaga ang unawa nila? Titignan natin. Sa pahina 19 ng parehong aklat, ganito ang ating mababasa: “Christ himself is the true Head of the Church; the pope is his vicar and chief representative on earth.” 

A Catechism for Inquirers, 4th Revised Edition, pp. 19
A Catechism for Inquirers, 4th Revised Edition, pp. 19

Ayan naman pala eh. Napakaklaro, mga kababayan. Sa Iglesia Katolika, si Cristo ay kinikilalang ulo ng Iglesia Katolika na siyang sang-ayon sa Colosas 1:18. Ngunit, tandaan, kahit na nabuhay ng maguli si Cristo, sasamahan pa rin niya ang kanyang iglesia, base sa Mateo 28:20-
MATEO 28:20 (ANG DATING BIBLIA)
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng mga panahon. 
Ibig sabihin, hindi pa rin nawawala ang pagiging ulo niya ng Iglesia. Base rin sa opisyal na doktrina ng Iglesia Katolika, ganito ang ating mababasa sa CCC #792-
CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH
792 Christ "is the head of the body, the Church." He is the principle of creation and redemption. Raised to the Father's glory, "in everything he [is] preeminent," especially in the Church, through whom he extends his reign over all things.
Ngunit, dahil hindi na natin siya kasama sa lupa, ay kailangan ng isang ‘representative’ si Cristo sa lupa, at iyan ay ang role ng Santo Papa, kagaya ni Eliakim na binigyan din ng susi ng kaharian ni David sa Isaias 22:20-22 na ganito naman ang sinasabi:
ISAIAS 22:20-22 (ANG DATING BIBLIA)
20 At mangyayari sa araw na yaon, na aking tatawagin ang aking lingkod na si Eliacim na anak ni Hilcias: 21 At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya’y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa sangbahayan ni Juda. 22 At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat; at siya’y magbubukas, at walang magsasara; at siya’y magsasara, at walang magbubukas. 
Ang magkahalintulad na tagpo din ang nangyari kay Cristo at kay Pedro sa Mateo 16:18-19 na ganito naman ang mababasa-
MATEO 16:18-19 (ANG DATING BIBLIA)
18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tinatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kinakalagan sa langit. 
Kaya, ang Santo Papa ay naging ulo ng iglesia kasi sa Santo Papa ibinigay ang susi ng kaharian ng langit.. Katunayan, sa CCC #936, ganito ang nakasulat:
CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH
936 The Lord made St. Peter the visible foundation of his Church. He entrusted the keys of the Church to him. The bishop of the Church of Rome, successor to St. Peter, is "head of the college of bishops, the Vicar of Christ and Pastor of the universal Church on earth
Ibig sabihin, sa doktrina ng Iglesia Katolika, ang INVISIBLE HEAD ay si Cristo at ang VISIBLE HEAD naman ay si Pedro at ang kanyang mga kahalili na tinatawag nating Santo Papa. Kaya sa sinasabi ng mga PALPAK NA MINISTRO ng Iglesia ni Cristo ni Manalo, BUSTED YAN, PALPAK!!!



Share:

TOTOO BANG DIOS NG MGA KATOLIKO SI MARIA AYON SA PAMAGAT NG ISANG AKLAT KATOLIKO?

TOTOO BANG DIOS NG MGA KATOLIKO SI MARIA AYON SA PAMAGAT NG ISANG AKLAT KATOLIKO?

Tanong:

Hello po bro. Totoo ba itong nakita ko sa FaceBook na sa Iglesia Katolika, DIOS daw si Maria? Salamat po sa paglilinaw, bro.

- Alvin June Trono


Sagot:

Maraming salamat kapatid na Alvin sa iyong tanong. Grabe naman ang akusasyon ni Dave Francis Miranda. Susuriin natin kung tama ba ang sinasabi niya o pawang fake news na naman ito.  Ayon kasi sa post niya “Di naman daw nila sinasamba si Maria, dinidiyos lang nila. Stupid Catholics mga utak katoks nga talaga.

Fake news ni Dave Francis Miranda
Fake news ni Dave Francis Miranda

Suriin nga natin. Ang tinutukoy na aklat ni Bro. Alvin ay ang aklat na may pamagat na “The Holy Mother Mary is God.” Ayon sa research namin, ito ay inilimbag noong 2013 ng Dedicated Lightworker Press. Ngayon, ang aklat na ito ba ay galing sa Iglesia Katolika? Suriin natin.

“The Holy Mother Mary is God.”
“The Holy Mother Mary is God.”

Napag-alaman sa aming research na sa kanilang FaceBook Page, ang Dedicated Lightworker Press ay may kaugnayan sa InPower na siyang business ng Revelation 18 Church, at hindi ng Iglesia Katolika.

Dedicated Lightworker
Dedicated Lightworker

https://www.inpowermovement.com/
https://www.inpowermovement.com/

Kaya klaro pa sa sikat ng araw na ang nagpapakalat ng tsismis na ito na si ni Dave Francis Miranda ay nagpapakalat ng kasinungalingan, na napag-alaman nating isang Iglesia ni Cristo ni Manalo member pala. Ano ba ang sabi ng Biblia sa mga kagaya niya?

Roma 1:29, (Filipino Standard Version)

“Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman, at kahalayan. Naghari sa kanila ang pagkainggit, pagpaslang, pag-aaway, pandaraya, at masasamang hangarin. Sila'y naging mahihilig sa tsismis,”

Kaya, base sa Biblia, naging alipin ng kasamaan na ang nagpapakalat ng tsismis na ito. Masakit ito pero yan ang katotohanan. Maraming salamat kay kapatid na Alvin sa iyong tanong.

God bless po sa atin at Mabuhay ang Dios ng pag-ibig!


Share:

BASE BA SA MATEO 28:19, ANG PANGALAN NG AMA, ANAK, AT ESPIRITO SANTO BA AY TUMUTUKOY SA IISANG PERSONA LAMANG, AYON SA NAGPAPAKILALANG APPOINTED SON OF GOD?

BASE BA SA MATEO 28:19, ANG PANGALAN NG AMA, ANAK, AT ESPIRITO SANTO BA AY TUMUTUKOY SA IISANG PERSONA LAMANG, AYON SA NAGPAPAKILALANG APOINTED SON OF GOD?

Viral ngayon sa social media ang paninira ng isang mangangaral na nagpapakilalang Appointed Son of God sa Davao City na si Pastor Apollo Quiboloy sa Santisima Trinidad na doktrina ng Iglesia Katolika. Ayon pa nga sa isang larawan na quoted sa sinabi ni Pastor Quiboloy sa programa niyang Give Us this Day, ay ganito ang sinasabi, “You believers of the Trinity, whether you hide it or not, or expound it otherwise or not, you are believers of three Gods.” 

You believers of the Trinity, whether you hide it or not, or expound it otherwise or not, you are believers of three Gods
Opinion ni Pastor Quiboloy

Grabe naman ang pastor na ito. Ano ba ang katibayan niya para sabihing totoo ang kanyang sinasabi? Naalala ko, dati, may nagtanong sa kanilang programa, at ito ang tanong:

Program Host: Pastor, another question from a viewer. In Matthew 28:19-20, bago po umakyat si Hesus sa langit, sinabi niya sa kanyang mga disipulo na magbautismo kayo in the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit. Please help me understand this because Pastor you mentioned several times that there is no TRINITY found in the Holy Scriptures. I am confused.

Paano naman ito sinagot ng nagpapakilalang Appointed Son of God daw?

Quiboloy: Hindi ito TRINITY. Ginawang Trinity, eh. Yun interpret nila, Trinity. Sinabi niya, bautismuhan ninyo sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito. Yung pangalan ng Ama, ano yon? Yung pangalan ng Anak, ng Espirito, ano yon? Gusto mong malaman, yung pangalan na yon, singular. Hindi niya sinabi, sa mga pangalan ng Ama, ng Anak at Espirito. Sapagkat ang Ama, hindi pangalan. Ang Anak, hindi pangalan, at ang Espirito Santo, hindi pangalan. Mga titulo yan ng isang pangalan.    (Panooring ang video dito sa )


Totoo kaya ang sinabi ni Quiboloy? Ating suriin ang nakasulat sa Mateo 28:19

MATEO 28:19 (MAGANDANG BALITA BIBLIA)

Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, 


Totoo kaya na isang persona lang ang tinutukoy ng pangalang Ama, Anak at Espirito Santo? Suriin natin gamit ang original Greek Text.

Mateo 28:19 Greek Interlinear
Mateo 28:19 Greek Interlinear

Ating ifocus ang Greek line na-

“…eis to onoma tou Patros kai tou Huiou kai tou Hagiou Pneumatos”


Base sa Greek Grammar, ang tou ay isang article, ang Patros, Huiou at Pneumatos ay mga nouns at may conjunction na kai na naghihiwalay sa tatlong nouns.

article, noun --- conjunction – article, noun -- conjunction – article, (adjective) noun
article, noun --- conjunction – article, noun -- conjunction – article, (adjective) noun

Mula dito, may format ito na: 

article, noun --- conjunction – article, noun -- conjunction – article, (adjective) noun

Ibig sabihin, may format talaga ito. Ayon sa mga Bible scholars, ano ba ang pinapahiwatig nito kapag may ganitong format na nakikita sa talata? Babasahin natin ang aklat na A Greek Grammar of the New Testament na isinulat ni Curtis Vaughn at Virtus Gideon, sa page 83, ganito ang nakasulat “If two nounds of the same case are connected by kai and the article is used with both nouns, they refer to different persons or things.” Ito po ay tinatawag na Sharp’s Rule.

Sharp’s Rule
Sharp’s Rule

Napakaklaro pala eh. Ibig sabihin, mali pala si Quiboloy. Ang pangalan ng Ama ay tumutukoy sa isang persona; ibang persona naman ang tinutukuyan ng pangalan ng Anak at ibang persona rin ang tinutukuyan ng Espirito Santo, base sa Mateo 28:19.

Kaya, mali talaga si Pastor Quiboloy. Tandaan, tatlong persona ang tinutukoy sa Mateo 28:19 at hindi iisang persona. Pasensya na po kung masakit ang sasabihin ko pero, hindi totoo ang sinasabi ng nagpapakilalang Appointed Son of God na si Pastor Quiboloy, kaya, BUSTED YAN, PALPAK!!!


Panoorin ang Video Kung paano sinagot ni Ka Burnok si PACQ 



Share:

ANG DOKTRINA NG SANTISIMA TRINIDAD: IMBENTO LANG NGA BA NG IGLESIA KATOLIKA? (PART 1)

ANG DOKTRINA NG SANTISIMA TRINIDAD: IMBENTO LANG NGA BA NG IGLESIA KATOLIKA? (PART 1)

Tanong:

Magandang gabi Ka Burnok, isa po akong tagasubaybay ng iyong channel po at marami ako natutunan po. May isa po akong tanong na sana mabigyan ng linaw tungkol po sa pinapakalat ni URUR ANULECRAB o ruru barceluna po. Ito ay tungkol sa ''TRINITY”. Imbento lng daw po ito ng Katoliko, wala naman daw talaga nakasulat sa bibliya about dito. Gusto ko lang po mabigyang linaw po ito dahil itong si URUR marami ng kasinungalingan na pinapakalat sa mga groups po. Nakakaalarma na po kasi marami din ang mga naniniwala sa mga kasinungalingan niya. Salamat po Ka Burnok. God bless and more power po sa inyong channel.
- Bhem Penaflor Franco


Sagot:
Maraming salamat sa iyong napakagandang katanungan. May isinend po siya sa atin na isang link that will lead us to an article, at para sa sagot natin, hahatiin natin sa dalawa ang article na ito. Heto po ang sinasabi ng article ni URUR ANULECRAB:

“TUNGKOL SA PAG IMBENTO NG TRINIDAD

"The term 'Trinity' is not found in Scripture [Bible], ... The invention of the term is ascribed to Tertullian." [Systematic Theology, by Augustus Hopkins Strong, page. 304 ]
Post ni URUR
Post ni URUR
Naloko na!!”

Base sa bahaging ito ng article, totoo ba ang kanyang sinasabi o baka siya ang nanloloko sa kanyang post? Tignan nga natin ang aklat na ginamit niya para patunayan na imbento lang daw ang Santisima Trinidad:
Systematic Theology by Augustus Hopkins Strong pp. 304
Systematic Theology by Augustus Hopkins Strong pp. 304

Pansining mabuti. Mukhang may pinutol siya sa reperensyang ginamit, na pilit niyang iniiwasan. Huling-huli ka na! Kulang ng “although the conception it expresses is Scriptural”. Bakit iniiwasan ito ni URUR na ito? Alam niyo ba, ginamit din ito ng isang ministro ni Iglesia ni Cristo na si Dan Omar Leybag sa programa niyang Ang Pagbubunyag ang nasabing reperensya at tignan niyo kung paano niya tinupi ito:
Putol na reperensya
Putol na reperensya
Grabe talaga sila: MGA MANLOLOKO! Huli na ang modus ninyo. Bakit pilit niyong pinuputol ang reperensya? Hindi pala gawa-gawa ng Iglesia Katolika ang doktrina ng Santisima Trinidad dahil ayon sa hindi nila isinama sa reperensya, “although the conception it expresses is Scriptural.” Kaya klarong palpak na naman ang mga ginagawa nila na isang MALAKING DECEPTION. Kaya, BUSTED YAN, PALPAK!

Para sa kompletong video, panoorin po ito:
Share:

TOTOO BANG ISANG BIBLIA NG IGLESIA KATOLIKA ANG NANINIRA SA MGA TAGA SAKSI NI JEHOVAH?

TOTOO BANG ISANG BIBLIA NG IGLESIA KATOLIKA ANG NANINIRA SA MGA TAGA SAKSI NI JEHOVAH?

Isa sa mga naging aklat ko noon ay ang aklat ng Saksi ni Jehovah na bigay sa akin ng isang photographer na miyembro ng kanilang grupo. Ang aklat na “You Can Live Forever in Paradise on Earth” ang aking tinutukoy, na nagandahan naman ako dahil maraming mga colored pictures sa larawan. 

Tuwing maiisip ko yon, parang natawa na lang ako. Naalala ko kasi ang sabi niya dati, “Alam mo naman pala na ang salitang JEHOVAH ay ang pangalan ng Dios, ngunit, ang Iglesia Katolika (na siyang relihiyon ko hanggang ngayon) ay naninira dahil mali daw ang paggamit ng pangalang ito.” Tsaka pinapabasa sa akin ang aklat na ito. Sa pahina 43 ng nasabing aklat, ganito ang nakasulat: “For example, the Catholic Douay Version, which does not use God’s name in its main text, says in its footnote to Exodus 6:3: “Some moderns have framed the name Jehovah… the true pronounciation of the name, which is in the Hebrew text, by long disuse, is now quite lost.” (You Can Live Forever in Paradise on Earth, © 1982, pp. 43)

 

You Can Live Forever in Paradise on Earth, © 1982, pp. 43
You Can Live Forever in Paradise on Earth, © 1982, pp. 43

Parang pinapalitaw ng aklat na ang Iglesia Katolika ang nagsabi na mali ang pangalang JEHOVAH. Hindi ko po layunin saktan ang damdamin ng mga taga Saksi ni Jehovah dahil marami akong kilalang miyembro nila na mabait naman ngunit, masakit isipin na pawang nagpapahiwatig sila na ang Iglesia Katolika ang naninira sa paniniwala nilang ito.

Pero tanong: tama ba ang pinapahiwatig ng aklat? Ating bisitahin at suriin ang orihinal na aklat kung tama ba ang quotation na ginamit nila. Ayon sa orihinal na Douay-Rheims Bible, sa footnote nito sa Exodus 6:3, ganit ang nakasulat: “Hence, some moderns have framed the name Jehovah, UNKNOWN TO ALL THE ANCIENTS, WHETHER JEWS OR CHRISTIANS; for the true pronounciation of the name, which is in the Hebrew text, by long disuse, is now quite lost.” (The Holy Bible Translated from the Latin Vulgate, Douay-Rheims Bible, footnote to Exodus 6:3)

The Holy Bible Translated from the Latin Vulgate Douay-Rheims Bible Footnote to Exodus 6:3
The Holy Bible Translated from the Latin Vulgate Douay-Rheims Bible Footnote to Exodus 6:3

Klaro naman pala eh. Hindi pala ang Iglesia Katolika sa kasalukuyan ang nagsasabi nito, kundi, ang mismong mga unang Katolikong Kristiyano at mga Hudio. UNKNOWN pala sa kanila ang nasabing pangalan. Dito mo talaga makikita na may tinatago ang mga tagasulat ng aklat na Watchtower Bible and Tract Society sa mga mambabasa ng kanilang mga inilimbag na aklat. Kaya nagagamit sa paninira ang mga ganitong pamumutol.

Ipagdasal natin sila na sana, habang binabasa nila ang article na ito, ay mas lalo nilang maiintindihan ang katotohanan. Kaya, sa sinasabi ng nasabing aklat, BUSTED YAN, PALPAK!!!

You Can Live Forever in Paradise on Earth, © 1982, pp. 43
You Can Live Forever in Paradise on Earth, © 1982, pp. 43

Share:

KASINUNGALINGAN NI ELI SORIANO TUNGKOL SA LIMBO, TATALAKAYIN NATIN!

KASINUNGALINGAN NI ELI SORIANO TUNGKOL SA LIMBO, TATALAKAYIN NATIN!

Isa sa mga mangangaral na dating tumutuligsa sa Iglesia Katolika ay ang Over-all Servant ng Members Church of God International na si Eliseo Soriano. Hinahangaan siya ng kaniyang mga tagasuporta dahil sa mga maaanghang niyang pahayag tungkol sa ibang relihiyon lalong-lalo na sa Iglesia Katolika.

Ngayon, ating susuriin ang isang article sa blog niyang Controversy Extraordinary, sa title na “Learn Biblical Mathematics” na isinulat noong June 16, 2018, ayon sa website nila. Heto ang nakasaad dito: 

“I said once in my Bible expositions that, “If you are going to believe the present Pope Benedict XVI, you have to disown all the previous popes before him who claimed infallibility in their teachings.” Why? They all taught that there is limbo where babies who died unbaptized will go because they cannot go to heaven.”

Tapos, dipa quote pa sila ng aklat Katoliko na Modern Catholic Dictionary sa page 319. 

https://www.controversyextraordinary.com/2018/06/mathematics-in-the-Bible.html

Dagdag pa ni Eli Soriano-

“I also said, ‘If you are going to believe the 263 Popes before Benedict XVI and believe in the infallibility of all of them, then, you have to disown Benedict XVI who says that there exists no limbo and unbaptized children will go to heaven.’”

Grabe talaga ang mga remarks ni Eli Soriano sa kanyang blog. Pero, heto ang tanong: Totoo kaya ang pinagsasasabi ni Eli Soriano sa blog na ito? Mas mainam na ating suriin mismo ang ginamit niyang reperensya:

Atin na pong nasuri ng mabuti ito. Ngayon, totoo bang doktrina ni Iglesia Katolika ang LIMBO o hindi? Kasi sa reperensyang ginamit ni Eli Soriano, mapapansin na may iniwasan siyang basahin. Sa pahina 320 ng nasabing aklat, ganito ang ating mababasa: “The Church has never defined the existence of limbo, although she has more than once supported the fact by her authority.”

Modern Catholic Dictionary © 1966 by John Hardon Page 319 – 320

Ayan naman pala eh! Buking ka ni Ka Burnok, Mr. Eliseo Soriano. Halatang mali ata ang sinasabi mo! Hindi pala opisyal na dogma o doktrina ng Iglesia Katolika ang limbo eh. Kaya, huling-huli ka na naman, Mr. Soriano. Kaya sa sinasabi mong mali ang turo ng mga Santo Papa bago sinabi ni Pope Benedict XVI na mali ang limbo of infants, BUSTED YAN!

Share:

Featured Post

SINO BA TALAGA ANG KATUPARAN NG 1 TIMOTEO 4:1, 3?

I TIMOTEO 4:1 (ANG DATING BIBLIA) Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa panana...

Recent Posts

Translate

Contact Us

Name

Email *

Message *