ANG KATOTOHANAN SA TUNAY NA IGLESIA NA TATAG NI CRISTO AYON SA BIBLIA (PART 2)

ANG KATOTOHANAN SA TUNAY NA IGLESIA NA TATAG NI CRISTO AYON SA BIBLIA (PART 2)

Isa sa mga iglesia sa Pilipinas na grabe talaga kung manuligsa sa Iglesia Katolika, ang Iglesia ni Cristo. Ang nasabing grupo ay tinaguriang “Philippine’s Largest Cult”ng Google, at kung ito naman ang ipapahayag mo, ay siguradong masakit ito sa mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo, kaya, pauna ko na itong sasabihin: PANGANGARAL LANG PO ITO.

Iglesia ni Manalo bilang largest Cult according to Google
Iglesia ni Manalo bilang largest Cult according to Google

Ngayon, tatanungin natin sila: “Sila ba ay nagsasabing sila ang tunay na iglesia?” Babasahin natin sa isang issue ng Pasugo Magazine, sa August 2019, sa pahina 2: “Does the Iglesia ni Cristo merely claim that it is the true Church? The Iglesia ni Cristo (Church of Christ) does not merely claim that it is the true Church.”

The Iglesia ni Cristo (Church of Christ) does not merely claim that it is the true Church.
The Iglesia ni Cristo (Church of Christ) does not merely claim that it is the true Church.

Klaro sa nasabing pag-amin ng nasabing babasahin nila. Tahasan nilang inaamin na hindi sila nagsasabing sila ang tunay na Iglesia na sa Dios. Eh bakit kaya ganito ang kanilang sinabi? Sa dulo ng article, ganito ang ating mababasa:

Self interpretation ng INC
Self interpretation ng INC

“Therefore, the Iglesia ni Cristo is the fulfilment of the other sheep of Christ that He prophesied in John 10:16. This is the reason its members ARE CERTAIN THAT THEY ARE IN THE TRUE CHURCH that is of Christ and that they are also of God, for He calls them as His sons and daughters. This truth is not a mere claim but based on the Bible.”

- Pasugo Magazine, August 2019, pp.2

Ibig sabihin, kumakapit pala sila sa interpretasyon nila sa isang propesiya daw sa Biblia kaya sinabi nilang sila ang tunay na iglesia na sa Dios. Ngayon, ang tanong, ayon sa Biblia, tama ba ang ginagawang ito ng mga taga Iglesia ni Cristo? Babasahin natin ang isang talata sa Biblia:

I PEDRO 1:20-21 ANG DATING BIBLIA
20 Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni’t inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo, 21 Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios.

Tandaan natin, na base sa nakasulat sa Mateo 16:18-19 na ang nakasulat ay:

MATEO 16:18-19, ANG SALITA NG DIOS
18 At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng paghahari ng langit. Anuman ang iyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

 si Cristo ang nagtayo ng iglesia na sa Dios. Tandaan, ang nagtayo ng iglesia na ang ating Panginoong Hesukristo ay siya ring ulo ng iglesiang itinayo niya (COLOSAS 1:18). Kaya, dapat, base sa kasaysayan, makikita natin na ang isang iglesia ay itinayo ni Cristo at hindi ng tao (JOB 8:8, THE LIVING BIBLE)

Ngayon, base sa kasaysayan, ang nagtayo ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas ay si Felix Manalo, at hindi talaga si Cristo. Kahit ano pang palusot nila, talagang wala silang koneksyon sa tunay na iglesia na tayo ni Cristo. At sa sinasabi ng Pasugo Magazine, na bumabatay pala sila sa propesiya sa Juan 10:16. Tanong, sino ba ang katuparan ng nasa Juan 10:16? Basahin natin ang nasa isang salin ng Biblia:

Letra Por Letrang Iglesia Katolika ayon sa Biblia
Letra Por Letrang Iglesia Katolika ayon sa Biblia

Paraphrase of the New Testament
Paraphrase of the New Testament

Kaya klaro na ang Iglesia Katolika at hindi ang Iglesia ni Cristo ni Manalo ang tunay na katuparan ng Juan 10:16 at ang tinutukoy na tunay na iglesia na sa Dios!

Iglesia Katolika bilang katuparang ng Juan 10:16
Iglesia Katolika bilang katuparang ng Juan 10:16


Share:

1 comment:

Featured Post

SINO BA TALAGA ANG KATUPARAN NG 1 TIMOTEO 4:1, 3?

I TIMOTEO 4:1 (ANG DATING BIBLIA) Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa panana...

Recent Posts

Translate

Contact Us

Name

Email *

Message *