About Factbusters PH

About Factbusters PH

Ang pangunahing dahilan kung bakit nagawa ang page na ito ay para sagutin ang mga tuligsa ng ibang iglesia sa ating Inang Simbahan. Si Ka Burnok ay isang CathoIic Lay na sumasagot sa mga tuligsang pawang kasinungalingan na madalas na ibinabato ng mga sektang naglipana na ang layunin ay manira at umakay ng mga kawawang mga kapatid natin sa pananampalatayang Katoliko. 

Nag simula ang Factbusters PH sa munting Youtube channel haggang sa makaabot sa mundo ng Facebook na naguupload ng mga videos na ang layon ay magtanggol ng pananampalatayang Katoliko at iexpose ang mga bulaan sa nga bintang na pawang mga hindi totoo kaya naman masasabi namin na marami-rami rin ang nasabihan ng trademark line ni Ka Burnok na "Busted yan! Palpak!" 

Ngayon naman ay sa mundo ng blogging kung saan ang target namin ay mga mambabasang katoliko at patuloy na sagutin na din naman ang mga nilikhang issues ng mga bloggers na kaanib naman sa ibang sektang pananampalataya. Extended ang pamba-busted ng mga bulaan na maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga kasinugalingang ipinupukol sa ating mga Katoliko.


Factbusters PH Season 3

Factbusters PH Facebook Page





Share:

SINO BA TALAGA ANG KATUPARAN NG 1 TIMOTEO 4:1, 3?

Sino ba Talaga ang Katuparan ng 1 Timoteo  4:1, 3?


I TIMOTEO 4:1 (ANG DATING BIBLIA)
Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,  
I TIMOTEO 4:3 (ANG DATING BIBLIA)
Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.

Isa sa mga sinasabi ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo ni Manalo na Iglesia Katolika daw ang katuparan ng mga nasabing talata. Totoo ba ito?

Bago nila sanang sabihin ito, dapat, tignan muna nila ang kanilang sarili. Alam niyo ba na bawal sa kanila ang pagkain ng dinuguan? Ayon sa kanilang aklat na Fundamental Beliefs of the Iglesia ni Cristo na isinulat ni EraƱo Manalo, sa pahina 105, ganito ang ating mababasa:

Q: What evil is committed before God by a person who eats blood?
A: He becomes God’s enemy and is expelled…. Lev. 17:10

Fundamental Beliefs of the Iglesia ni Cristo,
pp. 105

Ibig sabihin, lahat ng miyembro ay pinagbabawal na kainin ang dinuguan. Eh, tamang katwiran ba ito? 
Basahin natin ang Levitico 17:10 

LEVITICO 17:10 (ANG DATING BIBLIA)
At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan.

Klaro naman ng nakasulat. Mga taga Israel at mga naninilbihan at nakikitira sa Israel lang ang pinagbawalan ng Dios ayon sa talatang ito. Ang layo talaga ng ginagawang ito ng mga ministro ni Manalo. Ngayon, sa bersikulo tres ng 1 Timoteo, sinasabi dito na ang katuparan ng mga nagsisitalikod ay yung grupong “ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati” (vs. 3). Sabi naman ng mga ministrong ito, ang “lamangkati” daw ay karne.

Palagay nating tama ito, sino ba ang tunay na tumalikod? Sa aklat na Library of Universal Knowledge, Volume 6, sa pahina 43,  sinasabi na ang mga pagkain katulad ng dinuguan ay “liquid flesh”. Ibig sabihin, “liquid meat” pala ang dinuguan. Dahil karne din ang pinakuluang dugo para maging dinuguan, sino ngayon ang katuparan sa 1 Timoteo 4:3? Tunay na Iglesia ni Cristo na tatag ni Manalo ang TUMALIKOD sa mga aral ng Dios! Huling-huli na!

Library of Universal Knowledge,
Volume 6, 1880, pp.43

Mukhang bumabalik sa mga ministro ni Manalo ang kanilang sinasabi. Kaya sa sinasabi nila na Iglesia Katolika daw ang katuparan ng 1 Timoteo 4:3 dahil ipinagbabawal sa atin ang pagkain ng karne? BUSTED iyan!

COLOSAS 2:16 (ANG DATING BIBLIA)
Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath:
Share:

Featured Post

SINO BA TALAGA ANG KATUPARAN NG 1 TIMOTEO 4:1, 3?

I TIMOTEO 4:1 (ANG DATING BIBLIA) Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa panana...

Recent Posts

Translate

Contact Us

Name

Email *

Message *